PANATA
Noong ikaw ay aking masilayan Para akong napadpad sa kalangitan Nawala ang aking kalungkutan Napalitan ng ngiti at kasiyahan Sinta, ako'y nangungulila Tila ba'y ang presensya mo'y nawawala Kung ikaw ay babalik ng bigla Ika'y tatanggapin ko ng boung diwa Sana ang tulad ko'y mahalin mo Dahil ang pagtingin ko'y sayo'y totoo Kung ako'y papalarin na makita ng isang tulad mo Ika'y mamahalin ko ng totoo Huwag susuko sa likod ng problema Harapin natin ito ng magkasama Huwag magsasawa't mapapagod Mamahalin kita ng habang buhay Sinta, para kang araw Ikaw ay nagbibigay liwanag sa aking buhay Huwag sanang lumisan Upang pag-ibig ay di mawala Sinta, ikaw ang kasama hanggang magtagumpay Ikaw ang nagsilbing gabay Sa bawat lakbay patungo sa buhay Sa hirap at ginhawa ikaw ang kaagapay