PANATA

Noong ikaw ay aking masilayan
Para akong napadpad sa kalangitan
Nawala ang aking kalungkutan
Napalitan ng ngiti at kasiyahan

Sinta, ako'y nangungulila
Tila ba'y ang presensya mo'y nawawala
Kung ikaw ay babalik ng bigla
Ika'y tatanggapin ko ng boung diwa

Sana ang tulad ko'y mahalin mo
Dahil ang pagtingin ko'y sayo'y totoo
Kung ako'y papalarin na makita ng isang tulad mo
Ika'y mamahalin ko ng totoo

Huwag susuko sa likod ng problema
Harapin natin ito ng magkasama
Huwag magsasawa't mapapagod
Mamahalin kita ng habang buhay

Sinta, para kang araw
Ikaw ay nagbibigay liwanag sa aking buhay
Huwag sanang lumisan
Upang pag-ibig ay di mawala

Sinta, ikaw ang kasama hanggang magtagumpay
Ikaw ang nagsilbing gabay
Sa bawat lakbay patungo sa buhay
Sa hirap at ginhawa ikaw ang kaagapay